GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy

Klase sa ilang lugar sa NCR, iba pang  probinsya sa Luzon sinuspinde

August 15, 2012 1:46pm

Suspendido ang mga klase sa ilang bahagi ng Metro Manila at iba pang mga probinsya sa Luzon dahil na rin sa mga pag-uulan na dulot ng monsoon na pinalalakas ng bagyong Helen.

Ang mga paaralang nag-suspinde ng klase ay ang Valenzuela City at Maynila sa National Capital Region, Batangas, La Union, Benguet, Rizal, at Pampanga.

Ayon sa Philippine Information Agency, ang mga nagsuspinde ng klase sa Taytay, Rizal ay ang mga sumusunod:

- Antonio Esguerra Memorial - National High School
- Bagong Pag-asa Daycare Center
- Genesis Daycare Center
- Exodus Elementary School
- Manuel Santos High School
- Muzon Elementary School
- Pag-asa Elementary School (Floodway B)
- San Juan Elementary School
- Tapayan Elementary School.

Ayon sa Twitter account ng Department of Education, walang klase ngayon sa lahat ng antas sa mga bayan ng Balayan at Sta. Teresita sa Batangas.

"Classes at all levels suspended today, Aug 15, in Balayan and Sta. Teresita, both public and private schools," ayon sa DepEd.

Sa San Fernando, La Union naman, wala ring klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pampribadong paaralan, ayon sa ulat ng Unang Hirit Miyerkules ng umaga.

Sa Benguet naman, suspendido rin ang klase sa parehong pribado at pampublikong paaralan.

Sinuspinde na rin ang klase sa Nuestra Senyora De Guia Academy (hanggang high school) sa Valenzuela City, ayon sa Weather Watch page ng Philippine Information Agency.

Sa Pampanga naman ay nagsuspinde na rin ng mga klase sa:

- Sto. Tomas
- San Luis
- Guagua
- Porac
- Sasmuan
- Floridablanca
- Minalin (ilang barangay)
- Don Honorio Ventura - Technological State University (Bacolor at Porac campuses)
- Masantol (hanggang Biyernes)

Sa Maynila naman, nagsuspinde ang St. Jude College dahil sa paputul-putol na daloy ng kuryente sa kanila.

May pasok naman ang mga tauhan ng basic education department, administration and faculty naturang paaralan.

Tumama na sa kalupaang ang bagyong Helen madaling araw nitong Miyerkules at tumatawid sa Luzon habang hatak-hatak nito ang hanging habagat.

Kasaby nito, muling ipinaalala ng DepEd ang guidelines sa automatic suspension ng klase kapag may bagyo.

"No classes in Kindergarten for areas under Signal No. 1; No classes in Kindergarten to high school for areas under Signal No. 2," ayon sa Twitter ng DepEd.

Ipinauubaya sa mga lokal na pamahalaan ang magdeklara ng suspensyon ng klase kapag walang bagyo o storm signals. — LBG, GMA News




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus