GMA News Online Ulat Filipino » Dagupan

Masangsang na amoy, itinuro ang bangkay sa binahang bahay sa Pangasinan

August 16, 2012 7:42pm

Tags: Pangasinan
Dahil sa masangsang na amoy, isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa isang binahang bahay sa barangay Malued sa bayan ng Dagupan, Pangasinan.

Ayon sa ulat ng GMA News TV’s Balita Pilipinas Ngayon, sinabing inireport ng mga residente sa pulisya ang mabahong amoy na nagmumula sa isang bahay.



Nang puntahan ito ng mga pulis nitong Miyerkules ng gabi, nakita ang bangkay ng lalaki na nakalutan sa kanyang binahang bahay.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang dahilan ng pagkamatay ng lalaki. – FRJ, GMA News

Tags: Pangasinan



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement