GMA News Online Ulat Filipino » Iloilo

Mga nakatira sa gilid ng Mali-Ao creek sa Iloilo, nagsilikas

August 16, 2012 8:32pm

Helen causes landslide in La Trinidad
'Helen' causes landslide in La Trinidad. Tropical Storm Helen's rain causes a landslide along Km. 3 in La Trinidad, Benguet on Wednesday, creating heavy traffic in the area. Several families living near the site had been evacuated earlier before the landslide took place. Thom Picana
Napilitang magsilikas ang mga nakatira sa gilid ng Mali-Ao creek sa Pavia, Iloilo dahil sa patuloy na pagguho ng lupa sa nasabing lugar.

Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Huwebes, sinabing tatlong bahay na ang nasira dahil sa pagguho ng lupa na nilalamon ng tubig.

Dahil sa pagragasa ng tubig, umabot na umano sa 100 metro ang inilawak ng creek.



Nitong nakaraang linggo, kabilang ang Iloilo City sa mga lubhang naapektuhan ng pag-ulan na dulot ng Habagat.

Nakikipag-ugnayan na ang lokal na pamahalaan sa Department of Public Works and Highway para masolusyunan ang problema. - FRJ, GMA News




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus