ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
6 katao, sugatan sa pagsabog ng bomba sa bus sa Zambo City
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Anim katao ang sugatan nang sumabog ang isang bomba sa likurang bahagi ng isang bus sa Zambonga City nitong Huwebes ng gabi. Sa ulat ng GMA News Live, sinabing naganap ang pagsabog dakong 9:45 p.m. Dalawa umano sa mga nasugatan ang kritikal ang kalagayan. Nakakuha ang mga imbestigador ng mga piraso ng pako at hinihinalang mga bahagi ng sumabog na improvised explosive device (IED). Galing umano sa Pagadian ang bus at pabalik na sa Zambonga nang maganap ang pagsabog. Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente. — FRJ, GMA News
Tags: cotabatoblast, bombing
More Videos
Most Popular