ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Ilang Koreano na operator umano ng online gambling, nasakote sa Cebu
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Limang Korean national ang dinakip ng mga awtoridad dahil sa alegasyon na sangkot sila sa operasyon ng online gambling sa Lapu-lapu, Cebu. Sa ulat ng GMA News Balita Pilipinas Ngayon nitong Biyernes, sinabing sinalakay ng mga pulis ang tinutuluyan ng mga Korean sa bisa ng isang search warrant. Sa naturang pagsalakay, naaktuhan umano ang mga dayuhan na nag-ooperate ng ilegal na pasugalan. Nakumpiska sa lugar ang ilang electronic gadgets katulad ng computer at cell phone. Itinanggi naman ng mga dayuhan ang akusasyon laban sa kanila. -- FRJ, GMA News
Tags: onlinegambling, cebu
More Videos
Most Popular