GMA News Online Ulat Filipino » Balitang Pinoy » RH Bill

Sen. Sotto, inako ang responsibilidad sa kanyang kontrobersiyal na speech

August 18, 2012 1:01am
“The buck stops with me." Ito ang idineklara ng actor-politician na si Senator Tito Sotto kaugnay sa akusasyon na kinopya mula sa isang US-based blog ang bahagi ng kanyang talumpati sa Senado kamakailan tungkol sa pagtutol niya sa Reproductive Health (RH) bill.

"Whatever it is, the buck stops with me. I'm the senator. Whatever I delivered in the Senate hall is what's important," pahayag sa GMA News 24 Oras ni Sotto.

Sa panayam sa telepono ng GMA News Online nitong Biyernes, inako naman ni Atty. Hector A. Villacorta, chief of staff ni Sotto, ang pananagutan tungkol sa akusasyon ng blogger na si Sarah Pope na kinopya ng walang paalam ang laman ng kanyang blog.

Bagaman inamin ni Villacorta na natuklasan niya sa kanyang staff na sumulat ng talumpati ni Sotto na may kinopya nga sa blog ni Pope, iginiit naman niya na hindi ito “plagiarism."

“You have a blog, it is meant to be shared, it’s in the public domain, so it’s not plagiarism," paliwanag ng chief of staff. (Basahin: Sotto aide takes blame but denies plagiarism, says blogs meant to be shared)

Idinagdag ni Villacorta na malinaw din sa talumpati ni Sotto noong Lunes ang paglalahad na ang laman nito ay hindi lahat galing sa senador.



Emosyunal ang naging talumpati ni Sotto dahil napaiyak pa ito nang mabanggit na ang tungkol sa pagkamatay ng una nilang anak ni Helen Gambao na pinaniniwalaan nilang bunga ng pag-inom noon ng kanyang misis ng pills. (Basahin: Sotto says RH is 'personal,' blames contraceptives for son's death)

Sa ulat ng 24 Oras, sinabing itinuturing hamon ng senador ang panibagong pambabatikos sa kanya. Iginiit niya na walang dapat sisihin sa kinalabasan ng kanyang talumpati.

“Kahit anong paninira nila, kahit anong sabihin nila, we'll take it in stride," ayon kay Sotto.

Sa susunod na linggo, muli umano siyang magtatalumpati at bibigyan niya ng pansin ang isyu ng plagiarism. – FRJimenez, GMA News


We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement