Looking for the 2013 Election Results in Iloilo City? ▶
Mag-ina, nahulihan ng shabu sa Iloilo
Inaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency ang mag-ina na suspek umano sa pagtutulak ng ilegal na droga matapos makuha sa loob ng kanilang bahay sa Iloilo ang pitong sachets ng shabu at iba pang mga drug paraphernalia.
Ayon sa report ni Allan Gatus sa dzBB, sinabi ni PDEA Director General Jose Gutierrez, Jr., na pinasok ng kanilang mga operatiba ang bahay ng mag-ina sa bisa ng isang search warrant.
Kinilala ang mag-inang inaresto na sila Janita Gallo at ang anak nitong si Jennylyn Dequito.
Sinabi ni Gutierrez na tatlo na sachet ang nakuha mula sa ina, samantalang apat na sachet naman ang nakuha mula sa anak.
Ang mag-ina umano ang nasa likod ng pagbebenta ng shabu sa ilang bahagi ng Iloilo. — LBG, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement