ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Matapos si Rolito Go, isa na namang bilanggo sa bilibid nawawala
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Hindi pa man humuhupa ang kontrobersiya sa sinasabing pagdukot kay murder convict Rolito Go, isa na namang preso sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa ang napag-alamang nawawala.
Agad na sumugod si Justice Secretary Leila de Lima sa Bilibid ngayong Sabado matapos mabalitaan ang diumano'y pagtakas ng convicted killer na si Rommel Laciste, ayon sa isang ulat sa radio dzBB.
Nakipagpulong si De Lima kay NBP superintendent Richard Schwarzkopf Jr. upang alamin ang buong detalye sa pagtakas ni Laciste.
Si Laciste ay inaresto noong 2006 at napatunayang nagkasala ng murder matapos patayin si Concepcion Lumanglas, isang assistant parole and probation office sa Isabela.
Si Laciste ang sinasabing utak sa pagpatay kay Lumanglas.
Si De Lima ang pansamantalang namumuno sa Bureau of Corrections, na may hawak sa NBP, matapos ang pagliban ng direktor nito na si retired Army General Gaudencio Pangilinan.
Napilitang mag-leave of absence si Pangilinan matapos mawala sa Bilibid si Go. Ipinipilit ng convict na siya ay dinukot noong Martes ng mga taong nagpakilalang taga-National Bureau of Investigation.
Patuloy pa rin inaalam ng NBI kung tauhan nga talaga nila ang may kinalaman sa sinasabing pagkawala ni Go.
Matapos diumano dalhin sa Sto. Tomas, Batangas, pinkawalan daw si Go at ang pamangkin nito, at hinayaang makapag-biyahe sa bus pabalik sa Alabang.
Si Go ay nakulong matapos hatulan ng guilty verdict sa pagpatay sa isang motoristang engineering student na si Eldon Maguan sa isang kaso ng road rage noong 1991. — DVM, GMA News
More Videos
Most Popular