144 paaralan ng 3 rehiyon sa Luzon nananatiling evacuation centers
Sa gitna ng unti-unti na pagbuti ng panahon nitong mga nakaraang araw, nananatili pa ring evacuation centers ang 144 paaralan sa tatlong rehiyon sa Luzon, kasama na ang National Capital Region.
Ito ang ibinunyag ni Department of Education (DepEd) Spokesman Assistant Secretary Tony Umali na napanayam sa dzBB.
Matatandaan na noong ika-9 ng Agosto, sa kasagsagan ng malalakas na ulan dala ng hanging habagat at na nagdulot ng lubhang pagbaha, sinabi ni DepEd Secretary Armin Luistro na umabot sa 168 ang mga paaralan na ginamit bilang evacuation centers.
Sa 144 na mga paaralan, 30 nito ay nasa Metro Manila.
Nananatiling evacuation centers ang 34 na mga paaralan sa Region III, habang 80 naman sa Region 4-A (Calabazon).
Samantala, sa hiwalay na panayam sa dzBB, nababahala si Muntinlupa City Mayor Aldrin San Pedro sa kalusugan ng mga batang mag-aaral na sinusuong ang tubig-baha para lamang pumasok sa eskuwela.
Ito'y dahil aabot pa rin umano ng dalawa hanggang tatlong buwan bago tuluyang humupa ang tubig sa mga apektadong mga barangay.
Walo sa 17 barangay sa Muntinlupa ang nananatiling lubog pa sa tubig-baha, ayon sa alkalde.
"Marami pang baha dito sa amin (Muntilupa). Lampas tao pa rin ang baha sa ilang lugar," ayon sa kanya.
Nasa 5,000 pamilya pa rin ang nananatili sa walong evacuation centers, samantalang nasa 40 na pamilya naman ang nasa kani-kanilang mga bahay na may tubig baha pa rin, dagdag pa ni San Pedro. — LBG, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement