ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Aide ni Robredo, isinailalim sa neurological observation — Secretary Roxas


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isinailalim sa "neurological observation" ang aide ni Interior Secretary Jesse Robredo na nakaligtas mula sa pagbagsak ng sinasakyan nilang eroplano sa Masbate noong Sabado ng hapon. Bahagyang nawalan ng malay si Senior Inspector Jhun Abrasado noong Sabado kaya kinailangan niya munang magpatingin sa duktor, pahayag ni transportation secretary Manuel Roxas II nitong Linggo. "(He is) under neurological observation by doctors because he lost consciousness yesterday," inihayag ni Roxas sa kanyang Twitter account. Dagdag niya, bagong ama si Abrasado sa siyam-na-araw pa lamang na sanggol. "Abrasado is conscious, with a few injuries though none visibly serious. Both arms are in slings but there is no blood, no bandages," ani Roxas. Nitong Linggo ng umaga, sinabi ni Abrasado kay Pangulong Benigno III ang mga kaganapan bago ang pagbagsak ng eroplano. Nasa Masbate si Aquino upang kumuha ng update tungkol sa search operation. Nakasakay sina Robreo, Abrasado at pilot Capt. Jessup Bahinting at ang Nepalese flight student na si Kshitiz Chand sa maliit na eroplano nang bumagsak ito malapit sa karagatan ng Masbate. Galing sa Cebu ang eroplano patungong Naga City. Nitong Linggo ng umaga, patuloy pa rin ang paghahanap kina Robredo, Bahinting at Chand. Sa kabila ng mga sugat na kanyang natamo, hiniling pa rin ni Abrasado na mapasama sa search operations para kay Robredo at mga kasama nito. — Mandy Fernandez /LBG, GMA News