GMA News Online NewsTV » Brigada

Brigada

Bulag sa Katotohanan, Bantay ng Kalsada at Mga Bulaklak ng City Jail sa iisang Brigada

August 20, 2012 8:37am


Nabalot sa kontrobersiya ang pagkamatay ng SK chairman sa Makati na si Jason Infante. Matapos kasing pagsasaksakin sa kalagitnaan ng kanyang pagronda… misteryosong nawala raw diumano ang mga mata nito habang ino-autopsiya. Ang kumuha diumano… mismong Eye Bank Foundation of the Philippines. Pero giit nila… pinahihintulutan silang gawin ito sa bisa ng isang batas. Siniyasat ni JP Soriano ang puno't dulo ng anomalyang ito.  
Kumalat sa internet kamakailan ang video ng isang traffic enforcer na mistulang naging punching bag ng isang umuusok sa galit na motorista. Dahil dito… umani ng simpatiya hindi lang ang naturang enforcer… kundi ang lahat ng kanyang mga kabaro na nagsasaayos ng daloy ng trapiko sa mga lansangan. At sa ginawang pagsubok ni Jay Sabale sa trabahong ito… napatunayan niyang hindi basta-basta ang mundong pinapasok ng mga traffic enforcer. 


Sa Pasig City Jail… hindi rambol at gulo ang pinagkakaabalahan ng mga babaeng inmates dito. Sa halip… ginugugol nila ang kanilang oras sa pagsasanay kung paano magmasahe at mag-facial. Dinalaw ni Lala Roque ang mga masahistang inmates sa kauna-unahang bilangguan at spa and wellness center in one!

Abangan ang Brigada twuing Lunes, alas otso ng gabi sa GMA News TV Channel 11.



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus