ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Katawan ni Robredo, narekober na
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kinumpirma ni Transportation Secretary Mar Roxas na natagpuan na ang bangkay ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo nitong Martes ng 8:15 ng umaga, 800 meters mula sa baybayin ng Masbate.
Sa isang briefing sa Masbate, inihayag ni Roxas na natagpuan ang katawan ni Robredo sa lalim na 180 feet sa loob ng fuselage ng Piper Seneca plane na bumagsak malapit sa Masbate noong Sabado ng hapon.
"'Yung unang sumabak na mga tech diver... 'yung mga puti na nakita natin kahapon, si Matt at ang kanyang team na dalawang babae. At 8:15, kumpirmado na na 'yung isa sa mga katawan ay 'yung kay Sec. Jess Robredo," ani Roxas.
"At roughly 8:30 or 8:40, yung bangkay ni Sec. Jess ay naiabot na sa surface at ito ay nilagay sa body bag at kinarga na sa barko ng Coast Guard. Ongoing pa rin ang operation for the other bodies in the fuselage," kanyang inihayag sa press briefing. Ayon kay Roxas, naging mahirap ang pagrekober dahil sa posisyon ng fuselage.
"Jess has been underwater for more than two days now. Hindi basta bastang... the change in pressure and change in atmosphere is very complicated," aniya.
Dagdag niya, patuloy na isasagawa ang retrieval operations para sa dalawa pang piloto at ang fuselage.
"Scuba tanks at iba pang pangangailangan ay pinapadala sa underwater para magpatuloy 'yung retrieval operation," ani Roxas.
"Tuloy po ang recovery operations... Hindi ito para kay Sec. Jess lang. The divers and the others are being deployed now to recover the others," aniya.
"Sad as it is, we are now in search and recovery, retrieval," dagdag ni Roxas.
Ayon sa kanya, nasa pinakamalalim na bahagi ng cockpit ang dalawang piloto (pilot Jessup Bahinting at co-pilot Hshitiz Chand).
"The airplane was inverted and in that configuration, the two pilots were in the deepest part of the cockpit," ani Roxas.
PNoy at pamilya, ipinaalam na
“Nakausap ng Pangulo ang misis ni Sec. Jess and informed her about the development,” kanyang inihayag sa briefing, na maririnig sa dzBB radio.
Ayon kay Roxas, "very quiet" si Aquino nang unang malaman ang nangyari.
"'Yung kapatid ni Jess na si Kuya Butch ay nasabihan na rin, at dinadala siya kung saan ngayon 'yung katawan," ani Roxas.
Umabot ng apat na araw ang paghahanap kay Robredo, matapos bumagsak ang Piper Seneca na sinasakyan ni Robredo at tatlo pang iba malapit sa Masbate nitong Sabado mula Cebu patungo sanang Naga.
Nailigtas naman agad ang aide ni Robredo na si Senior Inspector Jun Abrasado matapos bumagsak ang eroplano. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News
Tags: jesserobredo
More Videos
Most Popular