ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

58-anyos na ginang sa Rosales, Pangasinan, hinalay bago pinatay daw ng mga kainuman


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang 58-anyos na ginang ang umano’y hinalay at pinaslang ng kanyang dalawang kainuman sa isang bukid sa Rosales, Pangasinan. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na nakikipag-inuman ang biktimang si Lilia Garcia sa kanyang kaibigang pipi at dalawang suspek na sina Edmundo Pinquihan at Manuel Mariano. Umalis umano ang pipi at naiwan ang biktima at dalawang suspek. Pagbalik ng pipi sa lugar ng inuman makalipas ang ilang oras, nadatnan nito na patay na si Garcia. Ayon kay Police chief inspector Jackson Seguin ng Rosales-PNP, idinidiin ng pipi ang dalawa nilang kainumang lalaki na may kinalaman sa pagpatay sa biktima. May mga sugat sa ulo ang biktima at hinihinala ng pulisya na pinukpok ito ng matigas na bagay na dahilan ng kanyang pagkamatay. Idinagdag ng pulisya na may palatandaan na nanlaban ang biktima. Tumanggi naman ang mga suspek na magbigay anumang pahayag tungkol sa nangyari sa biktima. Nahaharap sila sa kasong rape with homicide. – Jasmin/Henry/FRJ, GMA News