Looking for the 2013 Election Results in Davao City? ▶
Dadalo sana sa kapistahan: 7 patay, 26 sugatan sa aksidente sa Davao City
Nauwi sa trahedya ang masayang plano ng isang grupo na manood sana ng Kadayawan Festival sa Davao City nang mabangga ng isang pick-up truck ang sinasakyan nilang pampasaherong jeepney.
Sa ulat ng GMA News Balita Pilipinas Ngayon, sinabing pito ang nasawi at 26 pa ang nasugatan sa naturang aksidente.
Galing umano sa Sta. Cruz, Davao del Sur ang mga sakay ng jeep na papunta sana sa Davao City para manood ng sikat na Kadayawan Festival sa lungsod.
Subalit sa kanilang biyahe, isang pick-up truck ang sinasabing nag-overtake at nakasalpukan nito ang kasalubong na jeepney.
Kabilang sa mga nasawi ang mga drayber ng dalawang sasakyan. – FRJ, GMA News

Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement