Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Enzo Pineda is ready for mature and daring roles

August 21, 2012 7:48pm


Hindi nakasama ni Enzo Pineda ang rumored girlfriend niyang si Louise delos Reyes sa isang simpleng birthday dinner niya with family and loved ones noong August 12.

Abala kasi sa taping ng One True Love ang aktres at laging out-of-town ang location ng taping ng GMA-7 teleserye.

May pangako si Louise na babawi na lang daw kapag nagkita sila ni Enzo. At mayroon din daw itong surprise birthday gift para sa aktor.

Tungkol dito ang unang naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Enzo nang makapanayam sa Party Pilipinas nung Linggo, August 19.

“Hindi pa kami nagkikita, as of now. Kasi pareho kaming busy sa trabaho," sabi ng binatang katu-22 years old pa lang.

“Pero magkasama naman kami sa shooting ng Basement. So, I guess that’s the time na pwede na kaming mag-bonding."

Ang Basement ay isang indie film directed by Topel Lee, kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakasama sila ni Louise.

At ngayong araw na ito, Martes, August 21, daw ang shooting na magkasama sila ni Louise.

Baka sa set na ng nasabing pelikula ibibigay ang sinasabi ng aktres na surprise birthday gift nito para sa kanya?

“Siguro. Tingnan natin!" sabay ngiti ni Enzo.

“Pero sa akin, okey nang gift yung time na makasama ko siya."

BASEMENT. “Itong Basement is a horror-suspense-thriller na movie.

“Actually, maganda ang story nito. Kasama rin namin ni Louise dito sina Sarah Lahbati, Kristofer Martin, Tj Marquez, Kevin Santos, and iba pang Kapuso stars.

“Sa story, mata-trap kami sa basement ng isang hospital. ‘Tapos may mga bagay-bagay na mangyayari do’n," kuwento ni Enzo.

Pero sa Basement, magkasama lang sila ni Louise at hindi magkapareha.

“Most of my scenes are gonna be with Sarah Lahbati. ‘Tapos sina Louise naman at Kristofer Martin ang magkakasama.

“I can’t say much. Gusto ko, abangan ng mga tao ito. This is a very intense na movie.

“Actually, marami akong first time dito. And happy ako sa mga eksena ko. It’s a challenge for me. Kaya gagalingan ko talaga sa movie na ito.

“Isang may asawa na may kabit ang role ko rito. Nag-workshop ako for this. Para mailabas yung different side of Enzo na nakikita nyo sa TV.

“So, siguro ibang Enzo ang makikita nyo rito.

“And, of course, kahit sabihin na hindi ko pa na-experience in real life yung may asawa, tapos may other woman pa, in a way ay kaya kong ma-internalize yung character.

“Tingin ko, kaya kong ma-fulfill yung role ko. That I can do it," paniniwala ni Enzo.

WANTS TO SHOWCASE ACTING SKILL. Bukod sa Basement, may isa pa siyang indie film na gagawin.

Ito ay ang Bang Bang Alley, with Sarah Lahbati as his leading lady.

“It’s about a massacre. Isang NBI agent naman ang character ko rito. At si Sarah naman will play the role as the only witness.

“And I’m just really happy na nabibigyan ako ngayon ng ganitong opportunity na makapag-portray ng mabibigat at challenging roles.

“Para ma-showcase ko yung acting skill ko.

“Gustung-gusto ko naman talagang umarte, e. Love ko ‘yong trabaho ko bilang artista.

“So, challenge ito para sa akin," pagpapatuloy pa ng StarStruck season five First Prince.

READY TO SHOW MORE. Bukas na raw si Enzo sa idea na mag-portray ng mga mature roles.

Ready na rin siyang maging mapangahas sa unti-unting pagkawala sa wholesome at pa-bagets na imahe at i-try na maging mas daring o mas magpakita pa ng katawan.

Sa darating na "Bench/ Universe: The 2012 Denim and Underwear Show" na gaganapin sa September 13 at 14 sa Mall Of Asia Arena, game na siyang rumampa na naka-underwear lang.

“Oo naman. Kasi part ako ng Bench Body," tukoy ni Enzo sa underwear line ng clothing company.

“Sa totoo lang, pinaghahandaan ko na siya. Pinatapos ko lang yung birthday ko, e.

“Sabi ko sa sarili ko, after ng birthday ko, do’n na ako mag-i-start mag-work out.

“And, of course, malaki ang expectations, e. Kasi, anniversary nga ng Bench, first time kong maging part ng Bench Body na rarampa ng naka-underwear.

“So, maraming surprises na mangyayari. And I’m sure maraming nag-aabang niyan."

Si Louise, ano ang reaksiyon hinggil dito?

“Happy siya para sa akin. Kasi… nasa tamang edad na naman ako. And if you’re gonna do something like that, you really have to be proud of your body.

“Iba yung confidence na kailangan kapag naka-underwear ka.

“Kasi some people, awkward sila kapag naka-underwear. Pero for me, confident ako.

“Kasi pinaghirapan ko ito para magkaroon ng magandang katawan.

“And not only that. Confident ako, kasi alam kong healthy ako. Na I have that extra energy, especially when it comes to work," buo ang kumpiyansang sabi ni Enzo.

Gugustuhin ba niyang mapanood siya ni Louise na rumarampang naka-underwear lang, o huwag na lang at baka makaramdam siya ng pagkailang?

“Siyempre, gusto ko nando’n siya. Hindi ako maiilang na nando’n siya.

“Of course, maa-appreciate ko, let’s say si Louise pumunta. Or yung iba pang mga taong importante sa buhay ko…my family.

“Kasi alam mo ‘yon? Para extra support na rin. And, of course, to give me that extra-push para magawa ko ang mga bagay na ito."

Sa nalalapit na Cosmo Bash naman ng Cosmopolitan Magazine, asahan na rin bang mas magiging daring siya?

“Tingnan natin. Kasi nag-underwear na ako sa Bench, e.

“So, pagdating sa Cosmo Bash, I don’t really know what I’m gonna do there. Pero I want to do something different," nangiting huling nasabi ni Enzo. -- Ruben Marasigan, PEP
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus