GMA News Online
Ulat Filipino
»
Cebu

4 na minero, sugatan nang sumiklab ang apoy sa minahan sa Cebu

August 21, 2012 9:55pm

Tags: Cebu City
Apat na minero ang nagtamo ng second degree burn dahil sa biglang pagsiklab ng apoy sa loob ng pinagtatrabahuhan nilang minahan sa Danao, Cebu.

Ayon sa isang kasamahan ng mga biktima, nawalan ng kuryente sa minahan kaya naglabas ng lighter ang isang minero at sinindihan.



Nang sindihan ang lighter, biglang nagkaroon ng malaking apoy na kaagad ding nawala, ayon sa ulat ng GMA News Balita Pilipinas Ngayon.

Lumitaw sa imbestigasyon na may naipong methane gas sa lugar na siyang naging dahilan ng biglaang pagsiklab ng apoy. -- FRJ, GMA News

Tags: Cebu City