GMA News Online Showbiz » Chika Minute

Tween stars Barbie, Derrick at Kim, nag-birthday sa Boystown

August 22, 2012 12:01am
Naging mas makabuluhan daw ang kaarawan ng mga Kapuso Tween star na sina Barbie Forteza, Derrick Monasterio at Kim Komatsu nang ipagdiwang nila ito kasama ng mga bata sa Boystown.

Sinabi ni showbiz reporter Lhar Santiago na sa halip na magpa-party ngayong taon para ipagdiwang ang kani-kanilang birthday, mas pinili ng tatlong Tween stars na sama-sama nila itong i-celebrate sa Boystown.

Sa Chika Minute ng GMA News 24 Oras nitong Martes, sinabi nina Barbie, Derrick at Kim na iba ang pakiramdam na magdiwang ng kaarawan for a cause.



“Masaya dahil hindi ka lang nag-enjoy, nakatulong ka pa," ayon kay Kim.

Bukod sa mga dalang pagkain, may dala ring regalo ang tatlo para sa mga bata sa Boystown at naghandog din ng mga awitin.

Ang mga bata, tila nagkaroon umano ng bagong kuya at mga bagong ate.

Kasabay nito, masaya at suportado nina Barbie at Kim ang pagkakahirang kay Derrick bilang bagong ambassador ng National Youth Commission.

Sinabi naman ni Derrick na handa siyang gampanan ang mga responsibilidad na nakaatang sa kanya bilang embahador ng NYC. - FRJ, GMA News



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement