ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Sanggol, 2 menor de edad, patay sa masaker sa Valenzuela City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tatlo ang patay – isang buwang sanggol, isang 6-anyos na batang lalaki at isang 15-anyos na dalagita – habang sugatan naman ang kanilang ina at isa pang kapatid ng pagsasaksakin sila sa loob ng kanilang bahay sa Valenzuela City, madaling araw ng Miyerkules. Sa inisyal na report ni Rod Vega sa dzBB, sinabi ni Police Chief Inspector Allan Ruba ng Valenzuela City Police na nangyari ang krimen sa loob ng bahay ng mga biktima sa Saint Joseph Street, Barangay Malinta. Ang mga namatay ay sila Hannah Castro, 16-anyos; Samuel Castro, 6-anyos; habang hindi pa agad nakilala ang namatay na isang buwang gulang na sanggol. Kinilala ni Ruba ang mga sugatan na sina si John Castro, 11-anyos at ang ina ng mga biktima na si Myrna Castro. Naisugod sa Jose Reyes Medical Center sa Maynila ang sugatang si Myrna, habang ginagamot pa ngayon sa Valenzuela Medical Center ang batang si John. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, kinilala ang suspek na isang Jeffrey Torla, isa umanong kasambahay ng mga biktima. Hawak ngayon ng Valenzuela CityPolice si Torla, na umanoy nagtamo din ng mga sugat sa katawan at kailangan ding gamutin. Patuloy pa rin na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Valenzuela pulis kung ano ang motibo ng krimen. — LBG, GMA News