GMA News Online
Showbiz
»
Chika Minute

Gina Alajar, tutol sa namumuong pagtitinginan ng 2 artista hopefuls ng Protégé 

August 23, 2012 12:29pm
Hindi pabor ang Protégé mentor na si Gina Alajar sa namumuong pagtitinginan ng dalawang aspiring artistas mula sa South Luzon na sina Jeric Gonzales at Arny Ross.
 
Sa ulat ni Heart Evangelista sa Chika Minute ng 24 Oras noong Miyerkules, kina-usap ni Gina si Jeric upang sabihing sumali siya sa naturang palabas upang maging artista at hindi para ma-in love.
 
 
Gayunman, pinaglaban ni Jeric ang di-umanong "special friendship" nila ni Anry ngunit nananatiling tutol ang Protégé mentor.
 
Wika pa ni Gina, "Sabi ko kung gusto mong magkaroon na lang ng love life at huwag nalang mag-artista, okay lang din naman. Hindi ba? Edi, lalabas na lang ikaw dito."
 
Samantala, nanghihinayang naman ang ilang Protégé mentors, kabilang na si Ricky Davao, matapos matanggal ang kanyang alaga sa Protégé: The Battle for the Big Artista Break sa katatapos lang na elimination night noong Linggo.
 
Ayon pa kay Ricky, "Siyempre, nakakalungkot pero palagi ko ngang sinasabi, eh contest ito. Talagang may mawawala." Mac Macapendeg/RSJ, GMA News