Vice Mayor Duterte ng Davao City handang humarap sa CHR
Nakahanda umanong humarap sa Commission on Human Rights ang kontrobersiyal na vice mayor ng Davao City na si Rodrigo Duterte upang sagutin ang lahat ng mga akusasyon laban sa kanya.
Sa report ni Erning Arenas ng RGMA-Davao sa dzBB, muling pinabulaanan ni Duterte ang akusasyon ng CHR na may kinalaman siya sa mga nangyaring "salvaging" (extrajudicial killings) noong mga nakaraang mga taon, lalo na noong siya pa ang mayor ng Davao City.
Matatandaang idinawit ang pangalan ng dating alkalde sa serye ng mga pagpatay ng umano'y mga kilabot na kriminal at mga tulak ng droga sa Davao City noong mga nakaraang mga taon.
Pero ayon sa bise alkalde, karamihan sa mga pinatay ng mga armadong mga naka-motorsiklo ay mga kabataang umano'y pabalik-balik sa mga kulungan dahil sa mga masamang gawain.
Matatandaang noong mga nakaraang taon inakusahan si Duterte na umano'y nagtatag ng Davao Death Squad (DDS) na pumapatay ng mga notadong mga kriminal na pagalagala.
Noog Agosto 15, naglabas ang CHR ng ulat kung saan sinabi nito na: “The continuing pattern of killings and the failure to conduct a meaningful investigation of such incident can be construed as tolerance on the part of the authorities of the crimes heretofore described, thereby contributing to the climate of impunity.”
Matatandaan din na sinabi ni CHR Commissioner Loretta Ann Rosales na nais nito'ng paimbestigahan sa Ombudsman si Duterte.
Ayon din sa CHR report, hindi bababa sa 206 ang napatay umano ng DDS mula taon 2006 hanggang 2009.
Noong nakaraang buwan, muling naging kontrobersiyal si Duterte ng pinakain umano niya ng mga pekeng dokumento ang isang "swindling" suspect sa loob ng police station sa Davao City.
Ang nasabing insidente ay mariin namang kinondena ni Rosales.
Noong 2011, ang anak ni Vice Mayor Duterte na si Davao City Mayor Sarah Duterte naman ang nakunan ng footage ng national television na nanapak ng isang court sheriff sa isang demolition operation.
Humingi na ng paumanhin ang nakababatang Duterte sa kanyang ginawa sa court sheriff. — LBG, GMGA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement