Vicki Belo, napahanga sa katatagan ni Zsa Zsa Padilla
Humahanga si Dra. Vicki Belo sa pagiging matatag ng kanyang kaibigang si Zsa Zsa sa kabila ng kinakaharap nitong Stage 1 kidney cancer. Sa kanyang Twitter account, ipinahayag Dra Vicki ang labis niyang paghanga kay Zsa Zsa na nakatakdang sumailalim sa operasyon sa US para alisin ang bukol nito sa kidney. "Being up close and personal w @zsazsapadilla is inspiring… She is so beautiful positive, courageous kind and God centered," ayon kay Dra. Vicki. Kwento ng duktora, sinamahan niya si Zsa Zsa na magpasuri dahil naghihinala na siya na cancer ang bukol nito na kasing laki na umano ng golf ball. "I went with @zsazsapadilla because I already suspected she had cancer and wanted to make sure of the diagnosis . I also wanted to be there," saad ni Dra. Vicki. Dagdag pa nito, "I wanted to be there to reassure and support her. instead @zsazsapadilla was the One reassuring and comforting us. Zero self pity ." Nagtungo sila sa Estados Unidos upang humingi ng pangalawang opinyon ukol sa karamdaman ng Divine Diva. Sasailalim sa operasyon ngayong Agosto 27 (araw sa US) si Zsa Zsa upang alisin ang malignant growth sa kanyang bato. Bilib din si Dra. Vicki sa anak ni Zsa Zsa na si Zia Quizon dahil sa pagiging matatag nito sa kondisyon na hinaharap ng kanyang ina. Ayon kay Vicki, "zia is only 20 years old but she really takes care and watches over her mom. She’s like a guardian angel always hovering protectively." Sa kanyang Twitter account, nagpasalamat naman si Zia sa mga taong patuloy na sumusuporta at nagdarasal sa paggaling ng kanyang ina. "I would just like to thank everyone for all their prayers and kind words for me, my mom, and my family. Peace and Love. :)," pahayag ni Zia. Ibinalita naman ni Nicole Quizon, anak ni Zsa Zsa, na maayos ang lagay ng kanyang ina. "Salamat sa tweets and prayers for mama. To everyone who asks, she's doing fine naman," pahayag ni Nicole. -- Mac Macapendeg/FRJ, GMA News