Ex-Pres. Arroyo, ‘di raw peligroso ang buhay dahil sa sakit, ayon sa duktor
Pinabulaanan umano ng cardiologist ng Makati Medical Center ang nauna niyang ipinalabas na ulat na delikado ang kalagayan ngayon ng kalusugan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, at maaari itong mamatay bigla kaya dapat magamot sa ibang bansa.
Sa medical bulletin na may petsang August 11, inihayag ni Dr. Robert Anastacio na si Arroyo, kongresista na ngayon ng Pampanga, ay “at risk of “sudden death" dahil sa nawalang puwestong ng titanium implant sa kanyang buto sa leeg na nakakaapekto sa kanyang respiratory tract.
Pero sa clarificatory press briefing na isinagawa ngayong linggo ni Dr. Leo Olarte, vice president ng Philippine Medical Association (PMA), sinabi umano sa kanya ni Anastacio na "na-misquote" siya ng media.
"There is no emergency condition or there is no sudden death that can happen," pahayag ni Olarte sa panayam na ipinalabas sa GMA News TV's Balitanghali.
"Sabi ni Dr. Robert Anastacio was that he was misquoted. There was a misinterpretation and he denied what was printed in the broadsheet na the only option for Cong. Gloria Arroyo was surgery abroad," ayon kay Olarte.
Talong ulit na inoperahan si Arroyo sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City noong nakaraang taon para ayusin ang pinched nerve sa kanyang gulugod. Kasama sa operasyon ang paglalagay ng titanium sa buto sa kanyang leeg.
Bagaman pinayagan ng korte na makalaya pansamantala sa bisa ng piyansa, hindi maaaring lumabas ng bansa si Arroyo dahil sa hold departure order (HDO) na ipinalabas sa kanya ng Sandiganbayan.
Kamakailan ay muling isinugod sa ospital si Arroyo dahil sa pananakit ng likod at nabilaukan din sa kinaing melon.
Nitong nakaraang linggo, iginiit ni House Minority Leader Danilo Suarez, kaalyado ni Arroyo, na dapat payagan ng pamahalaan ang dating pangulo na makapagpatingin sa ibang bansa.
Ngunit ayon kay Olarte, mas delikadong galawin ngayon ang implant sa buto ni Arroyo. Mas makabubuti umano na magpahinga na lamang ang dating pangulo at hayaan nito na maghilom at muling tumatag ang buto.
Sinabi nito na hindi makabubuti kay Arroyo ang bumiyahe sa ibang bansa.
"Delikado ‘yan. alam mo naman yung [kapag] nagpapatakabo ka ng sasakyan biglang break, minsan may humps may sudden turn. Delikado din yun sumakay sa eroplano," paliwanag niya.
Inaasahan ni Olarte na magkakaroon ng maximum bone growth si Arroyo pagkaraan ng anim na buwan at hindi na niya kakailanganin ang titanium plate. — FRJ, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement