ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Aglahi', handog ng Front Row


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Inihahandog ng Front Row AGLAHI August 25, 2012, 8:45pm
  Sandosena ang alaga ni Tina, isang dog lover. Karamihan ay kanyang inampon mula sa animal shelters. Bawat alaga, may kuwento.   Si Seb, na hit-and-run kaya kinailangang putulin ang dalawang paa sa likuran. May survivor ng bagyong Ondoy, may quadriplegic o hindi na makakilos ang buong katawan, may ilang tatlo o dalawa na lang ang paa at ang pinakabago niyang ampon na si Princess, survivor ng dog fighting syndicate. Kung tutuusin, mas maayos na ang sitwasyon ng mga alaga ni Tina.   Pero marami pang ibang hayop na napapabayaan, inaabandona at pinagmamalupitan. Nitong nakaraang linggo lamang, sa isang rescue operation, nadatnang duguan, tinalian ng alambre ang bibig at leeg ng isang aso.      Ngayong Sabado sa Front Row, sundan ang kalagayan ng ilang abandonadong hayop at alamin ang mga dahilan kung bakit tila mahina ang proteksyon sa kanila sa kabila ng pagkakaroon ng batas sa animal rights.