GMA News Online Ulat Filipino » Cebu » Jesse Robredo

Burol ni Capt. Bahinting sa Cebu City, binuksan sa publiko

August 25, 2012 4:12pm
Binuksan sa publiko ang burol ni Capt. Jessup Bahinting, ang piloto ng Piper Seneca plane na bumagsak sa karagatan ng Masbate noong nakaraang Sabado kung saan kasama niyang nasawi ang co-pilot at si Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo.

Sa ulat ng GMA News TVs Balitanghali nitong Sabado, sinabing nakalagak ang mga labi ni Bahinting sa chapel ng St. Peter’s Funeral homes.

Nitong Biyernes ay dumating na sa bansa ang isang anak ni Bahinting mula sa Amerika. Isa pang anak nito na nasa abroad ang hinihintay na dumating.



Sa Lunes ay nakatakdang ihatid sa huling hantungan si Bahinting.

Samantala, nakaburol din sa naturang chapel ang co-pilot ni Bahinting na si Kshitiz Chand, isang Nepalese.

Iuuwi sa Nepal ang mga labi ni Chad sa Lunes. -- FRJ, GMA News


advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement