GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy
»
Jesse Robredo

PNoy pupunta sa Naga sa Martes para sa state funeral ni Robredo

August 26, 2012 10:12am

PNoy mourns loss of good friend, public servant
PNoy mourns loss of good friend, public servant. President Benigno Aquino III talks to Leni Robredo, widow of Interior Secretary Jesse Robredo, during arrival honors at Malacañang on Friday. Aquino declared days of mourning as Robredo's remains lie in state at Kalayaan Hall until Sunday morning. Jay Morales
Pupunta sa Naga City sa Martes si Pangulong Benigno Aquino III para pangunahan ang state funeral para sa yumaong Department of Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo.

Ililibing si Robredo sa Naga City, kung saan naging alkakde ito sa loob ng 18 na taon.

Ayon din sa report ni Tuesday Niu sa dzBB, sinabi ni Deaprtment of Justice Secretary Leila de Lima na may mga miyembro rin ng Gabinite pupunta sa Naga City araw pa lamang ng Lunes.

Pinangunahan ni Aquino, Linggo ng umaga, ang paghatid sa mga labi ni Robredo mula sa Malacañang papunta sa Villamor Air Base, kung saan nanggaling ang isang cargo plane na nagdala sa mga labi ng kalihim sa Naga.

Noong Sabado ng gabi, nag-alay ang mga miyembro ng Gabinite ng isang memorial serivce para kay Robredo na naka-burol noon sa Kalayaan Hall sa Malacañang.

Ayon kay De Lima, mahigpit ang bilin ni Aquino sa mga miyembro ng Gabinite na pigilan nila ang kanilang emosyon sa memorial service.

Matatandaang namatay si Robredo, kasama ang dalawang piloto, ng bumagsak ang sinasakyan nilang eroplano sa karagatan ng Masbate noong Agosto 18.

Nakaligtas sa nasabing sakuna ang tauhan ni Robredo na si Police Inspector Jun Abrasado. — LBG, GMA News




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement
advertisement
advertisement