ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pagmamanman sa foreign drug mules, hinihigpitan ng PDEA


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Mas hinihigpitan pa ngayon ng Philippine Drug Enforcment Agency ang pag-monitor sa mga foreign national na posibleng gamitin bilang mga drug courier. Sa ulat ni Roland Bola sa dzBB, sinabi ni PDEA Director General Jose Gutierrez Jr., mula buwan ng Hunyo 2012 hanggang sa kasalukuyan, pitong foreign nationals na ang naaresto sa Ninoy Quino International Airport (NAIA) dahil sa pagpuslit ng shabu sa Pilipinas. Ang pinakabagong nahuli sa NAIA, ay isang Nepalese at isang babaeng Vietnamese na tinangkang magpalusot ng kilo-kilong shabu. Noong nakaraang taon, umabot sa 45 foreign nationals ang naaresto dahil sa paglabag sa Republic Act 9165. Kabilang sa mga nahuli ay mga miyembro ng African drug syndicate. Base sa mga imbestigasyon at pag-aaral ng PDEA, nalaman nito na mas gusto ng African drug ring na gumamit ng mga Asyano bilang drug mules. — LBG, GMA News

Tags: pdea, drugmules, naia, shabu,