GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy

Lider ng kilabot na Onad Gang, 2 iba pa, naaresto

August 26, 2012 4:17pm
Naaresto ng mga operatiba mula Parañaque City Poice ang lider ng kilabot na Onad Criminal Gorup sa bayan ng Maragondon, Cavite, noong Sabado.

Sa report ni Sam Nielsen sa dzBB, ihinarap Sabado ng hapon kay Southern Police District Director Chief Superintendent Benito Estipona ang suspek na kinilalang si Ronald Gomez Santiago, alyas Onad.

Sa bisa ng warrant of arrests na ipinalabas ng Tanauan, Batangas, Regional Trial Court, naaresto din ang dalawang iba pang lalaki na kinilalang sina Aldrich Perez at Joseph Hilario, kapuwa sangkot umano sa mga pagnanakaw, drug pushing, carnapping, akyat bahay at gun-for-hire.

Si Perez na kilala din sa alyas na "Noynoy," ay nakilala base CCTV footage sa pinakhuli nilang biktima sa Tanauan, Batangas.

Nakita sa footage kung paano tinutukan ni Perez ng baril ang biktima na nasa loob ng bahay habang nililimas naman ng grupo nito ang pera at mga gamit sa loob ng bahay.

Na-recover mula kay Santiago at sa dalawa pa niyang mga kasama ang apat na iba't ibang uri ng baril na isang 9mm-caliber pistol, isang kalibre .45, isang kalibre .38 pistol at isang .22 caliber rifle.

Kasama sa na-recover ng mga pulis ay dalawang granada at mga bala para sa mga baril na nakumpiska. — LBG, GMA News
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus