ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Kwentong Kapuso: Katapusan na naman ng buwan...


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Heto na ulit, katapusan na naman ng buwan. Parang pag ganitong end of the month, sanay na sanay na tayo...
Tutunog ang mga celphone natin, nagmamatyag na may SMS na tayo. Galing Pilipinas ba yan?  
Saan kaya galing, sa GF kaya? Sa BF kaya? Si secret admirer?
Ooops..Mali pala. Galing ng Pilipinas.. Excited pa tayong basahin agad kahit antok na antok pa tayo..
Ang mensahe.."Nak, katapusan na kailan ka magpadala? Ang bayad ng bahay, ang bayad ng tubig at kuryente. Paano ang kaunting utang namin sa tindahan.Ang gamot ng Tatay mo?" O kayay galing kay Misis "Bhe, padala ka na.. Pambayad ng tuition ng mga bata, pambayad ng  kuryente at tubig, pambaon ng mga anak mo."  
Mga daing nang ating mga kapamilya o mahal sa buhay na umaasa sa atin. Ang Sahod na inaasahan nila..kailangan maipadala.
Minsan galit o yamot pa tayo sa kanila at salita ng salita kahit di naman nila ito naririnig..hehehe
Pero kahit anu pang salita mo o yamot ka pa sa bandang huli, "Sige na nga,hintayin niyo na ang padala ko, walang matira man sa akin, okay lang po ito. Mapadalhan ko lang kayo.Kawawa nmaan si Totoy at Nene..O kaya'y kawawa naman si Inay at Itay at mga kapatid ko."  
Kaya dali dali kang nagreply..
"Bhe,hintayin mo na lang padala ko,padating  na.. O kaya'y, Nay,Tay magpapadala na po ako hintayin nyo na po..
 
OFW tayo , alam natin ang Ating obligasyon sa ating mga pamilya, yamot man tayo minsan pero wala tayong magagawa dahil sa atin sila umaasa at sa kanila naman talaga mapupunta ang pinaghihirapan natin dito sa abroad.  
Sabi ng karamihang OFWs kaya nga tayo andito sa malayong bansa para sa pamiliya gaano man kalayo at kabigat para sa atin ang lahat, lahat tinitiis: Puyat, pagod at hirap..Di natin ito iniintindi dahil ito ay para sa ating pamilya at mga mahal sa buhay..
Ooops.. Payo ko lang o sa inyo kapwa ko OFWs abroad..
Magtabi po tayo kahit kaunti lang..In case of Emergency(huwag naman sana)
May madukot kang maipadala,O kayay para sa yo..may pambili ka ng gamot o anu pa man.
 
Salamat Kapwa OFWs..
Pagpalain po tayo ng Poong Maykapal..
 
-- Meneses Ching