GMA News Online
Ulat Filipino
»
Davao

Nakitang sanggol sa basurahan sa likod ng simbahan sa Davao, pwedeng ipaampon

August 28, 2012 8:23pm
Mabuti na ang kalagayan ng kalusugan ng sanggol na babae na nakita sa isang basurahan sa likod ng isang simbahan sa Kapalong, Davao Del Norte.

Sa ulat ng GMA News TVs Balita Pilipinas Ngayon, sinabing nakita ng mga residente ang sanggol sa isang basurahan sa barangay Poblacion, Kapalong noong Biyernes.

Kasalukuyang inaalagaan ang sanggol na may bigat na 2.2 kilogram sa Davao del Norte Provincial hospital. Dito ay boluntaryong pinapasuso umano ang baby ng ibang ina na kapapanganak din lang sa ospital.



Ayon kay Dra. Ruchille Arrocena, patuloy ang pagbuti ng kalagayan ng bata at maaaring sa mga susunod na araw ay maaari na siyang ibigay sa kostudiya ng Department of Social Welfare Development (DSWD).

Inihayag naman ng DSWD na maaaring isama sa listahan ng for adoption ang baby kapag hindi na nagpakita pa ang ina o mga magulang ng sanggol pagkaraan ng tatlong buwan. -- FRJ, GMA News
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus