GMA News Online Showbiz » Chika Minute

Inalis na tumor sa kidney ni Zsa Zsa Padilla, hindi cancerous

August 29, 2012 9:50pm
Kailangan na lamang magpagaling ni Zsa Zsa Padilla mula sa pinagdaanang operasyon kung saan natuklasan na benign o hindi cancerous ang bukol na nakuha sa kanyang kidney.

Sa personal Twitter account ni Zsa Zsa, masaya nitong ibinalita sa kanyang mga follower ang resulta ng kanyang operasyon sa US kung saan inalis ang bukol na kasinglaki ng pingpoll ball sa kanyang bato.

“My doctors woke me up from my nap to say that pathology got back to them and the tumor taken out was benign! I am overjoyed with the news!," ayon sa singer-actress.

Lubos din ang pasasalamat ni Zsa Zsa sa mga nagdasal para sa kanyang paggaling.



“Hello, everyone. Thank you for your prayers. I don't think that I would recuperate this fast without all of you praying for my fast recovery," dagdag niya.

Nagpahayag din ng kasiyahan sa magandang resulta ng operasyon ang mga co-star ni Zsa Zsa sa musical film na I Do Bidoo Bidoo, na kinabibilangan nina Gary Valenciano, Eugene Domingo at Ogie Alcasid.

Kasama ni Zsa Zsa sa US ang dalawa niyang anak na sina Karylle at Zia.

Samantala, ang isa pang anak ni Zsa Zsa na si Nicole naman ang dumalo sa primiere night ng I Do Bidoo Bidoo. -- FRJimenez, GMA News


advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement