ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

4 na namatay sa septic tank sa isang mall sa Cubao nakilala na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kinilala na ng Criminal Investigation and Detection Group ang apat na mga lalaki na namatay nang makulong sa loob ng isa sa mga septic tank sa Ali Mall sa Cuabo, Quezon City, madaling araw nitong Huwebes. Sa follow-up report ni Allan Gatus sa dzBB, kinilala ng CIDG ang mga biktima na sina Romy Suarez, Rommel Suarez, Rodel Suarez at isang Martin Almeda. Dinala na umano sa St. Yves Funeral House ang bangkay ng mga biktima. Sa naunang report ni Allan Gatus, napag-alaman na mga tauhan ng isang kontratista ang mga biktima na pinaglinis ng septic tank at hindi na nakalabas doon hanggang dakong 3:20 ng madaling araw. Kaagad namang nagsagawa ng resue operation ang mga kawani ng Bureau of Fire and Protection (BFP) at ayon kay PO2 Alvin Quisumbing, tatlo sa apat na biktima ay mag-ama, samantalang kamag-anak naman nila ang isa pang biktima. Ayon kay Quisumbing, nakabalot ng tarpaulin ang mga wala ng buhay na mga biktima. Sa naunang ulat, sinabing buhay pa sana nang maiahon ng mga rescuer ang isang biktima. Ngunit, muling nahulog sa loob ng septic tank nang pinilit nitong sumama sa rescue team na sasagip sana sa tatlong iba pa niyang mga kasamahan. Ayon kay PO2 Quisumbing, dakong 5:59 ng umaga nang maiahon na wala nang buhay ang isang biktima na nauna nang sa-rescue. Magkasunod na inahon ang tatlo pang biktima. — LBG, GMA News