SALN ng mga mahistrado, isinapubliko ng Korte Suprema
Isinapubliko ng Korte Suprema noong Miyerkules ang Statement of Assets, Liabilities, and Net worth (SALN) ng mga mahistrado, apat na araw matapos nanumpa sa opisina si Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Matatandaang napatalsik si dating Chief Justice Renato Corona, na pinalitan ni Sereno, dahil sa hindi niya pagdeklara ng tunay na halaga ng kanyang mga ari-arian sa kanyang SALN. Sa ilalim ng pamumuno ni Corona, hindi pinapayagang basta na lamang ilabas sa publiko ang SALN ng mga mahistrado. Sa Korte Suprema ni Sereno, hindi lamang naglabas ng summary sa net worth ng mga hukom, na ginawa ng House of Representatives, kundi inilahad din ang inventory ng asset at liabilities alinsunod sa nakasaad sa kanilang mga SALN. Mayroon nang kaalaman ang publiko, halimbawa, sa tatlong tirahan at ari-arian sa Filinvest East sa Cainta, Cavite, at Davao na pagmamay-ari si Sereno. May isa pa siyang pagmamay-ari sa Filinvest East at tatlong sasakyan, kabilang na ang isang second-hand Mitsubishi Lancer. Nagtatrabaho ang kanyang asawa, Mario Sereno, sa construction industry at sa Federation of Philippine Industries. Si Associate Justice Mariano del Castillo naman ang pinakamayaman sa 14 mahistrado ng Korte Suprema noong 2011. Idineklara niya ang kanyang P108,904,519.37 net worth. Ika-10 naman sa listahan si Sereno na may net worth na P18,029,575.51. Tumaas ng P270,000 ang net worth ni Sereno mula sa kanyang 2010 SALN, na kanyang inilabas sa isang summarized form. Nailuklok si Sereno sa Korte Suprema noong 2010. Si Associate Justice Arturo Brion naman ang may pinakamababang net worth na nagkahalaga ng P1,498,509. Inilibas ang SALN nina Del Castillo, Sereno, Brion at 11 pang ibang umuupong mahistrado ng SC sa Solar TV News matapos aprubahan ng SC en banc noong ika-10 ng Agosto ang request ang news outfit. Nakapaskil din sa Twitter account ng Solar TV ang net worth noong 2011 ng iba pang mga mahistrado: