Pagtalakay sa RH bill, isasantabi muna ng Kamara
Dahil sa nagkakainitan at nagkakapersonalan na ang mga pabor at kontra sa Reproductive Health bill, minabuti ng liderato ng House of Representatives na isantabi muna ang pagtalakay sa kontrobersiyal na panukalang-batas.
Ito ang sinabi ni House Majority Floorleader Nepatli Gonzales Jr., ayon sa ulat ni Rowena Salvacion ng dzBB.
Pero kinakapos na din umano ng panahon ang Kongreso para ilusot man lamang sa second reading ang RH bill dahil ang tatlong araw na sesyon lamang sa sunod na linggo ang maaaring gugulin para dito, ayon kay Gonzales.
Inaasahang aakyat sa plenaryo ang 2013 budget pagpasok ng buwan ng Septyembre kung saan tutukan ito ng mga kongresista para maipasa pagdating ng buwan ng Oktubre.
Matatandaang lalong uminit ang balitaktakan ng mga pabor at kontra sa RH bill nang sabihin ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na dapat nang ipasa ang "Responsible Parenthood bill," isa sa mga ipinangalan sa naturang bill.
Matapos ang SONA, kumilos agad ang mga kaalyado ni Aquino sa Kamara para maipasa ang RH bill.
Ngunit, ang mga anti-RH bill sa Kongreso na nakakuha ng suporta mula sa mga opisyal ng Simbahang Katolika, ay gumagawa ng pamamaraan para maharang ang madaliang pag-apruba ng Kamara sa kontrobersiyal na panukalang-batas. — LBG, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement