GMA News Online
Public Affairs
»
Rescue

Rescue

Youscoop Special sa 'Rescue'

August 30, 2012 8:13pm
RESCUE
Youscoop Special
Date re-aired: August 30, 2012


Nitong Marso, inilunsad ng Rescue ang isang panawagan na maaari nang i-upload sa Youscoop ang mga video o larawang nagpapamalas ng kabayanihan. Sadya ngang simbilis na ng kidlat ang daloy ng makabagong teknolohiya dahil sa nakalipas na dalawang buwan, marami ang tumugon sa amin.

Sa isang natatanging pagtatanghal ng Rescue ngayong Huwebes, kilalanin ang iba pang youscoopers na bukod-tangi ang mga ipinadalang video at larawan. Tulad na lang ng isang youscooper na nakasaksi sa isang aksidente sa Matabungkay, Lian, Batangas. Sa kasagsagan ng mga summer outing at pagbabakasyon, nakuhanan niya ang dalawang bangkang nagbanggaan na may lulang walong katao, kabilang na ang dalawang bata. Isang concerned citizen na nasa parehong beach ang hindi nag-atubiling lumangoy para saklolohan ang mga biktima.

Samantala isang butas na footbridge naman sa Commonwealth, Quezon City ang idinulog ng isa pang youscooper. Labis ang kanyang pag-aalala na maaaring lumaki ang butas dito at anumang oras ay may madisgrasya kung hindi pa ito agad tutugunan ng mga kinauukulan.

Gaano nga ba kahalaga ang teknolohiya para sa mas mabilis na pagtugon sa mga nakaambang peligro?

Sa Rescue, naniniwala kaming kahit sino, pwedeng tumulong! Panoorin muli ang Youscoop Special ng Rescue ngayong Huwebes ng gabi, Agosto 30 pagkatapos ng Saksi!

Sundan ang Rescue sa Facebook at sa Twitter!



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Rescue on Facebook
Rescue on Twitter
advertisement
advertisement
advertisement