ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lasing na nagtutumba raw ng mga puno ng saging, patay sa taga


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang lalaki na umano’y lasing ang napatay sa taga matapos nitong itumba ang mga puno ng saging ng kanyang kaaway sa Dumangas, Iloilo. Sa ulat ng GMA News TV Balita Pilipinas Ngayon, idinahilan ng suspek na inunahan lang niya ang biktima dahil may dala rin daw itong patalim. Ikinuwento naman ng tiyuhin ng suspek na lasing ang biktima nang magtungo sa kanyang taniman ng saging at itinutumba nito ang mga puno. Nandoon naman ang kanyang pamangkin na siyang tumaga sa biktima hanggang sa mapatay. Sa Cebu City, isang guwardiya naman ang nasawi nang barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek. Hinala ng mga imbestigador, posibleng ang mismong baril ng guwardiya ang ginamit ng suspek sa pagpatay sa biktima dahil nawawala ang baril nito. Isang babae naman na bagong laya sa kulungan matapos magpiyansa ang pinagbabaril at napatay sa General Santos City. Ayon sa ulat, nakulong ang babae dahil sa kaso ng pagtutulak ng iligal na droga. Inaalam na ng mga awtoridad kung may kinalaman ang kaso nito sa ginawang pagpatay sa biktima. -FRJ, GMA News

Tags: iloilocrime