GMA News Online Public Affairs » Wish Ko Lang

Wish Ko Lang

Ang munting hiling ni Little Nonong sa 'Wish Ko Lang'

August 31, 2012 3:18am

Tags: Pangasinan
WISH KO LANG
"Little Nonong" at "Ang Sakit ni Prof."
Airing Date: September 1, 2012




Little Nonong

Ngayong Sabado sa Wish Ko Lang, kilalanin ang batang si Nonong Reyes na sadyang napakaliit. 

6 na taong gulang na si Nonong pero ang kanyang taas ay nasa sukat na 79 centimeters lamang. Grade 1 na si Nonong sa Sabangan Elementary School, Lingayen, Pangasinan. 

Ayon sa kanyang mga magulang, siya raw ay may hydrocephalus kaya malaki ang kanyang ulo. Sanhi naman raw ng kanyang maliit na katawan ang pagkaka-aksidente raw ang ina habang ipinagbubuntis siya. 

Sa kabila nito, ipinakita ni Nonong na kaya niyang makipagsabayan at higitan ang mga ka-edad niya. Sa katunayan, siya ang madalas isabak sa patagisan ng pagtula sa mga programa sa kanilang paaralan. 

Wish ng kanyang ina na mabigyan sana si Nonong ng espesyal na upuan para hindi mahulog at lalong makapag-aral ng ayos ang bata.

Ang Sakit ni Prof.

Si Rolando Penaredondo, 43 taong gulang, ay dating guro sa iba’t-ibang unibersidad sa Maynila. Dalawang dekada niyang minahal ang propesiyon na ito, ngunit ang kabanatang ito ay napilitang tuldukan dahil sa kanyang pagkakasakit ng HIV.

Ikinubli na niya ang sarili mula nang siya ay magkasakit, tinalikuran ang buhay na kanyang nakagisnan at ngayo’y hinaharap ang kinabukasan na may pangamba at alinlangan. 

Ngayon, inaalala na lamang ni Rolando ang isang kahapon na malabo na raw niyang balikan at kasalukuyang pinagsisisihan.

Abangan ang kuwento nina Prof. Rolando at Nonong ngayong Sabado ng gabi sa Wish Ko Lang, 6:30 PM sa GMA 7 pagkatapos ng Pinoy Adventures!

Sundan ang Wish Ko Lang sa Facebook at Twitter!


Tags: Pangasinan



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Wish Ko Lang on Facebook
Wish Ko Lang on Twitter
advertisement
advertisement
advertisement