ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rufa Mae on Boy2 Quizon: 'Wala naman talagang hiwalayang naganap. Hindi lang nagkatuluyan'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Hindi nakaiwas ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto sa tanong ng showbiz press tungkol sa estado ng relasyon nila ni Boy2 Quizon. Sa simula, maingat si Rufa Mae sa pagsagot, “Di pa naman kami nagkikita, e. Wala kaming taping dalawa [sa Bubble Gang]… Okay naman kami." Paano na yung production house na itinayo nila? “Hindi ano lang, [partners na lang], wala nang lovers…" Bakit? “Hindi, siguro mas nangingibabaw yung friendship talaga nang matagal. Yun yung love na meron, yung friendship. “Love ako, kasi nga we’re friends, e. So parang yung love naman, nandadiyan talaga sa amin, e, kahit… “Yun nga lang ang level of love, di ba? So hindi nga nagkataon na level ng mag-asawa o mag-jowaan." Humirit ang kolumnistang si Nitz Miralles na may totoong rason kung bakit naghiwalay ang dalawa, pero iginiit ng dalaga, “Hindi! Totoo." Dagdag niya, “Kasi parang sobrang tagal namin magkasama, mga 17 years ang Bubble, kami magkasama, mga 12 years na… Bata pa siya, mga 20 lang ako yata, siya, mga 18 o 15, hindi ko alam…" Napangiti siya dahil hindi niya maalala ang edad ng 28-year-old na si Boy2. “Basta mas bagets," ang nasambit ng 34-year-old star. Pero bakit ba inilarawan siya ng apo ni Dolphy na “kaibigan"? Ang medyo paputol-putol niyang pahayag, “Best friend ko siya sa lahat ng guys there. Kasi parang nagsusumbong ako pagka may mga guys na ano… parang mas okay kaming gano’n." Ano ba talaga ang nangyari? “Wala naman talagang hiwalayan na naganap. Hindi lang nagkatuluyan, ganun." Hindi rin naman daw akma na tawagin itong “drifted apart," pero tumango siya nang sabihin naming, “it never materialized." Pagsang-ayon niya, “Oo yun. Para I dunno kung pa’no ko sabihin yun pero yun nga yung nangyari. Parang mas okay ang friends, as business partners… “And ang dami niyang gagawin, may mga career siyang ginagawa so, I think, he needs to focus din sa career niya. “So parang hindi pa talaga siya timing. Wala, wala sa timing. Siguro, yun ang reason." Napalapit din daw sila sa panahong pareho silang nagluksa. Aniya, “Kasi, namatayan ako na una. Tapos, siya naman, namatayan after a year, so parang lagi na lang may nangyayaring…" Ang tinutukoy ni Rufa Mae, sa isang banda, ay ang kanyang lola, at sa kabilang banda, ay ang lolo ni Boy2 na si Dolphy. Hindi natapos ni Rufa Mae ang sasabihin dahil biglang nagsingit ng tanong ang talent manager-columnist na si Ethel Ramos tungkol sa napabalitang wedding nila ni Boy2. “Hindi, it’s a joke, e, Tita. Joke lang siya." Nag-react si Manay Ethel ng, “We took you seriously." Nagpaliwanag ni P-chi na “hype’ lang daw yun. Sa isang interview daw, “Hindi ko naman alam kung ano'ng nangyari, nagkaroon sila ng joke-joke nilang tanong, tapos sagot naman kami." Ano yung napapabalitang wedding date na 12-12-12? “Actually, pelikula siya… nila… nina Peque Gallaga, nina Boy2, nina Richard Gutierrez…" Pero nang usisain ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung kinunsidera ba niyang magpakasal kay Boy2, aniya, “Well, in-expect ko din pero… “Napag-usap-usapan, kasi siyempre nasa marrying age naman na ako, ganun. Tapos, siya naman, binata naman." Hindi ito ang unang beses na nagbalak magpakasal ang komedyana. Hindi niya dinenay na muntik na siyang maging May bride. “Serious, pero hindi natuloy din. “Wala, ganun po talaga, hindi matutuloy pag hindi ukol. “Bago mo makilala [ang] tao pala, kelangan samahan mo muna nang matagal, alam niyo yun." Sa ngayon, mas gusto raw nitong mag-focus sa kanyang career. Nabanggit niya na gusto niyang magkaroon ng morning show, at gusto rin niyang mag-produce. Dagdag pa ng freelance artist, “Sabi ko na lang, ano na lang, basta trabaho na lang muna kasi gusto ko lang mag-work sa iba’t ibang stars, di ba? Iba’t ibang tao, para naman makahataw, di ba? I think, it’s about time para iba-iba yung kasama." Paano na ang pag-ibig? Hindi raw siya nagde-date sa ngayon. Saad pa ni P-chi, “Hindi na ako nag-iisip nang ganun, e, kasi parang, I wanna… “Parang for a while, kinalimutan ko yung feeling how to be in love. True. “Tapos ngayon, alone, unti-unti kong nadi-discover yung sarili ko, tapos slowly siguro darating na 'yan, di ba?" -- Karen A. Pagsolingan, PEP