GMA News Online
Public Affairs
»
Front Row

Front Row

Muling tunghayan ang 'Bigatin', handog ng Front Row

September 1, 2012 11:08am
FRONT ROW presents
BIGATIN
September 1, 2012, 8:40 pm
 
Si Mark, 19 taong gulang, may timbang na 400 pounds. Si Jenny naman, 43 taong gulang at may bigat na 370 pounds.  Sina Mark at Jenny ay maituturing na "obese". Sa buong mundo, tinatayang 1.4 billion ang maituturing na overweight o sobra sa timbang. Sa bilang na ito, 5.7 million ay mga Pilipino. Ang obesity ay isa sa mga itinuturong sanhi ng pagkamatay dahil na rin sa iba't ibang sakit na maaaring idulot nito.
 
Mula Cagayan Valley, labing dalawang oras ang kailangang lakbayin ni Mark, isang beses sa isang buwan patungong Manila para magpakonsulta sa doktor dahil sa mga posibleng kumplikasyong dulot ng timbang. Dahil sa bigat ng kanyang katawan, nangingitim na ang kanyang mga paa at hindi na maayos na dumadaloy ang dugo sa kanyang katawan. Kailangan na rin niyang gumamit ng aparato para maging maayos ang kanyang pagtulog. Samantalang si Jenny, kailangan nang alalayan ng kabiyak paakyat ng hagdan. Ang malungkot, iba't ibang panlalait o pangungutya pa raw ang kanyang inaabot dahil sa kanyang pigura. Madalas daw siyang tanggihan ng mga pampublikong sasakyan o kung minsan nama'y pinababayad pa ng doble.
 
Muling tunghayan ang buhay nilang mga "BIGATIN" ngayong Sabado sa Front Row, 8:40pm sa GMA News TV Channel 11.



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus