10 proyekto ipatutupad ng DENR sa Maguindanao
Sampung proyektong pangkabuhayan ang nakatakdang ipatutupad ng Department of Environment and Natural Resources sa limang bayan ng Maguindanao, malapit sa Liguasan Marsh.
Ayon sa report ni Oland Bola sa dzBB, sinabi ng DENR Regional Office XII na P7.8 milyong ang kabuuang halaga ng mga proyektong ipatutupad sa mga bayan ng Paglat, General Salipata,Gen. S.K. Pendatun, Sultan Sabarongis, Datu Paglas at Rajah Buayan.
Nilagdaan na ni DENR Region XII Regional Executive Director (RED) Adeluisa Siapno at mga alkalde ng mga nasabing bayan ang isang kasunduan para sa mga proyektong pamamahalaan ng mga People's Organization (POs) na kinilala ng mga lokal na pamahalaan.
Kabilang sa mga proyektong paglalaanan ng pundo ay ang dried fish processing, water hyacinth paper making at organic rice production. — LBG, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
advertisement
advertisement