ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Int'l group, kinondena ang pagbabanta vs mamamahayag sa Pampanga


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nanawagan ang International Federation of Journalist na ikondena ang "physical intimidation" at pagbabanta sa buhay na natatanggap ng beteranong mamamahayag mula Mabalacat, Pampanga, na si Ding Cervantes. “Violent attempts to intimidate journalists are increasing in the Philippines. We condemn this latest incidence and call again on the Philippines’ authorities to safeguard journalists, to thoroughly investigate cases of violence and intimidation against journalists and ensure that perpetrators face the full force of the law for these crimes,” ani IFJ Asia Pacific Director Jacqueline Park. Manunulat si Cervantes sa pahayagang The Philippine Star at miyembro ng National Union of Journalist f the Philippines. Ayon sa IFJ, ang mga huling isinulat ni Cervantes ay tungkol sa pagpatay kay Dutch missionary Willen Geertman, land-reform isyu sa Hacienda Luisita, at ang APECO na proyekto sa Aurora. "Cervantes is a highly regarded journalist who was awarded the 'presidential award' of the Pampanga Press Club for community journalism. He was also named Most Outstanding Guagueno in the field of journalism," ani IFJ nitong Agosto 29 sa isang pahayag. Ayon sa IFJ, natanggap ni Cervantes ang unang banta noong Agosto 24 sa isang text message na nagsabing: “Isang bala ka lang." Hindi na umano pinansin ni Cervantes ang mensahe at agad itong binura sa kanyang cellphone. Sabado ng hapon nang iulat ni Cervantes na mayroon siyang napansing lalaking nagmamasid umano sa kanyang bahay. “The man was watching our closed store at the other end of the fence of our home lot as I was backing out my car from the garage. When I rolled my car out facing him, he turned around to send a text on his phone,” kwento niya. Nang umuwi si Cervantes sa kanyang tirahan kasama ang kanyang kapatid noong gabing iyon, nakita muli niya ang parehong lalaki, na tila umano mayroong pistol sa kanang baywang nito. Ayon sa kanya, tumalikod ang lalaki, na tila nagpapadala muli ng text message sa kanyang cellphone, at nagmamadaling umalis. Noong Linggo ng umaga, lumabas si Cervantes upang pakainin ang kanyang aso, nakita muli niya ang lalaki na sumisilip sa gate ng kanyang bahay at nagsasabi ng, “Atiyu, atiyu (he’s here, he’s here),” at lumakad muli palayo. Agad na pumasok muli si Cervantes sa loob ng bahay at tumingin sa bintana, kung saan nakita niya ang nasabing lalaki na may kausap sa kanyang mobile phone. Matapos nito, patuloy ang kanyang pagtanggap ng mga mensahe ng pagbabanta mula sa parehong numero kung saan nanggaling ang orihinal na menshaeng ipinadala noong Agosto 24. — Mandy Fernandez /LBG, GMA News