ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Police: 37 katao sugatan sa pagsabog ng granada sa Davao City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sugatan ang 37 na tao matapos sumabog ang isang hand grenade sa loob ng covered court sa Barangay Fatima sa Davao City noong Sabado ng gabi, kung saan mayroong idinadaos na circus, ayon sa ulat ng pulis nitong Linggo. Sa isang text message sa media, inihayag ni Davao City Director Senior Supt. Ronald Dela Rosa na isang hindi pa kinikilalang tao ang nagtapon ng hand grenade sa isang army detachment na katabi ng covered court ngunit tumalbog lamang ito ng tamaan ang net barrier at sumabog sa gitna ng mga manunuod ng circus. Agad na dinala ang mga biktima sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) upang magamot. Nagsasagawa ang mga awtoridad ng imbestigasyon upang mahuli ang suspek at matukoy ang motibo ng krimen, ayon kay Dela Rosa. Dagdag niya, kasalakuyan pang tinutukoy ang mga identidad ng mga biktimang ginagamot sa SPMC. — Mandy Fernandez /LBG, GMA News