ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Casiño, hindi tatakbo sa ilalim ng LP o UNA para sa eleksyon 2013


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inanunsyo ni Bayan Muna party-list Rep. Teodoro Casiño nitong Lunes na hindi siya makikilahok sa dalawang pangunahing koalisyon sa susunod na 2013 midterm elections. Sa isang panayam sa telepono, ipinaliwanag ng mambabatas na napagkasunduan ng Makabayan bloc—ang koalisyon ng mga progresibong grupong party-list, na kinabibilangan ng Bayan Muna—sa pagpupulong nitong Biyernes na patakbuhin siya bilang independent senatorial candidate sa susunod na taon. “The party said I am better off running solo. Mas maganda raw na I will not run under any of the traditional parties para mas matiyak na hindi ako matatali sa mga issue,” ani Casiño. Ayon sa mambabatas, dahil sa kanyang desisyon, kakailanganin niyang tanggihan ang mga alok mula sa ruling Liberal Party (LP) o ng United Nationalist Alliance (UNA) na gawin siyang guest candidate sa susunod na taon. Noong Hunyo, inihayag ni Casiño na sinusubukan ng Makabayan bloc na makipagsanib sa UNA para sa eleksyon 2013. 'Non-traditional candidate’ Samantala, inihayag ni Makabayan secretary general Nathanael Santiago na maaaring masiguro ng progresibong grupo ang pagkakaroon ni Casiño ng 3.5 milyong boto sa elesyon sa susunod na taon. “Teddy brings with him a ground-level machinery that is unmatched by any senatorial candidate. We are confident he will become senator next year,” ani Santiago sa hiwalay na panayam. Dagdag niya, makatutulong ang pagiging "non-traditional candidate" ni Casiño sa kanyang pagtakbo sa midterm elections. “It is best if he [Casiño] is not included in the coalition of traditional parties. He will walk the walk and talk the talk of the politics of change," ani Santiago. Ayon naman sa Bayan Muna representative, hindi naman siya nababahala sa pagpopondo ng kanyang kampanya. “Whatever funds na hindi makukuha sa pamamagitan ng hindi pagsali sa traditional coalitions, mako-compensate naman siguro through grassroot campaign. Hindi naman masyado problema iyan,” aniya. — Amanda Fernandez/BM, GMA News