GMA News Online
Ulat Filipino
»
Dagupan

Hinihinalang biktima ng carnapping, nakitang patay sa Binmaley, Pangasinan

September 4, 2012 4:42pm

Tags: Pangasinan
Isang lalaki na may sugat sa noo at ulo ang nakitang patay ng mga nagpapatrolyang barangay tanod sa isang bakanteng lote sa Binmaley, Pangasinan.

Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Lunes, sinabing nakita ang bangkay ng lalaki nitong madaling-araw ng Linggo.



May sugat umano ito sa noo at ulo nang matagpuan ng mga nagrorondang tanod sa lugar.

May posibilidad umano na biktima ng carnapping ang lalaki dahil nawawala ang tricycle nito. - FRJ, GMA News
Go to comments

Tags: Pangasinan