ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Kakaibang palos na kulay dilaw, nahuli sa Davao


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang kakaibang palos na kulay dilaw ang balat at pula ang mata ang nabingwit ng isang residente sa Kapalong, Davao del Norte. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Martes, sinabi ng mga residente na ngayon lang sila nakita ang naturang uri ng palos. May bigat na apat na kilo ang nahuling palos at kasing laki ng braso ng tao ang bilog nito. Paliwanag naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, “yellow Asian swamp eel" ang tawag sa nabingwit na palos. Hindi naman daw itinuturing endangered ang naturang isda. Nitong nakaraang Abril, ipinaubaya naman sa BFAR sa Dagupan, Pangasinan ang kakaibang bangus na nadiskubre sa isang palaisdaan sa Binmaley, Pangasinan noong nakaraang taon dahil sa mala-kulay ginto nitong mga kaliskis. (Basahin: Nadiskubreng ‘golden’ bangus sa Pangasinan, ipinaubaya na sa BFAR) – FRJ, GMA News