ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ulat na 50 minero namatay sa Davao Oriental landslide, iimbestigahan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Iimbestigahan ng Mines and Geo-Sciences Bureau ng Department of Environment and Natural Resources ang napabalitang aabot sa 50 na small-scale miners ang namatay dahil sa landslide sa gold rush area sa Sitio Bangol, Barangay Tubaon, Taragona, Davao Oriental noong ika-30 ng Agosto. Sa report ni Erning Arenas ng RGMA-Davao sa DZBB, sinabi ni MGB-11 Regional Director Edilberto Arreza na nakatanggap sila ng reports mula sa Oro S Mining Corporation at sa Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) at ng Philippine National Police na isang tao lamang ang nasugatan sa nasabing landslide noong nakaraang Agosto 30. Pero sinabi ni Arreza na pinanindigan naman ng barangay captain Baudillo Miones at ng kanyang ina na si Mandaya Tribal Chieftain Herminia Miones na umabot sa 50 ka tao ang nalibing ng buhay sa gumuhong lupa. Taliwas naman sa sinabi ni Mayor Samuel Uy at ng mga kasundaluhan na wala umanong nasugatan at namatay sa insidente ng gumuho ang tatlong tunnels sa lugar dahil sa tatlong araw na walang tigil ang pag-ulan. Matatandaan na pati mga reporter ay nalilito sa tunay na nangyari sa lugar kung saan iba't ibang mga bilang ng mgha nasugatan at namatay ang naglabasan sa mga balita. Napag-alaman na nagpadala na ang Malacañang ng team na mag-imbestiga sa tunay nangyari at malaman kung ano ang totoo sa mga magkasalungat na mga reports tungkol sa nangyaring landslide. Isang special team mula sa Office of Executive Secretary na pinangunahan ni Assistant Secretary Gerry Cabrera ng Anti-Terrorism and Special Concerns ang dumating sa landslide area noong araw din ng insidente sakay ng helicopter. Lumipad din pabalik sa Davao City ang grupo ni Cabrera pagkatapos ng isinigawa nilang aerial inspection. Hanggang ngayon, hindi pa nagpalabas ng report ang Malacañang ukol sa resulta ng imbestigasyon na ginawa ng grupo ni Cabrera. — LBG, GMA News