ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bianca King at Heart Evangelista, malapit nang mapanood sa ikatlong yugto ng Luna Blanca


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Simula Setyembre 10, mapapanood na ang Kapuso stars na sina Bianca King at Heart Evangelista sa ikatlong yugto ng kauna-unahang multi-generational primetime soap opera ng GMA-7 na Luna Blanca. Si Bianca ang gaganap bilang si Luna, ang maitim na anak at si Heart naman ang gaganap bilang si Blanca, ang maputing anak. Ipagpapatuloy ng dalawa  ang paghahanap sa kanilang kanunu-nunuan at pati na rin ang pagtupad sa kanilang mga sariling tadhana. Sa nasabing yugto, masusukat nina Luna at Blanca ang kanilang relasyon  bilang magkapatid dahil sa pagmamahal sa parehong lalaki — si Joaquin na gaganapin ni Mark Herras. Gayunpaman, bagama't sa pareho silang nagmamahal sa isang lalaki, nagkaroon na ng pagtingin si Joaquin kay Blanca mula pa nang makita niya ito sa unang pagkakataon. Maliban dito, hindi pa rin nagkakasamang muli sina Luna at Blanca. Nakatira si Blanca kay Luis at tinitiis ang kasuklaman ni Divine, habang si Luna naman ang nag-aalaga kay Rowena na napasailalim sa gayuma ni Devolas/Diego. Samantala, kabilang din sa mga artistang may imporatanteng papel sa palabas ay sina Christopher de Leon bilang Luis, Lani Mercado bilang Rowena, Carmi Martin bilang Divine, at Carlos Morales bilang Devolas. Paano kaya makakaapekto ang magkahiwalay na buhay nina Luna at Blanca sa kanilang relasyon bilang magkapatid? Kung darating man ang panahon na magkita silang muli, pareho pa rin kaya ang pakikitungo nila sa isa't-isa? Ngayong bumalik na si Joaquin, maipaglalaban kaya nila ni Blanca ang kanilang pagmamahalan nang hindi masasaktan si Luna? At hanggang saan ang kayang isakripisyo ni Blanca para sa kaligayahan ni Luna? Maliligtas ba ni Luis si Rowena sa kamay nina Devolas at Divine? Maulit kaya ang naudlot na pagmamahalan nina Luis at Rowena? Mula sa direksyon ni Dominic Zapata, abangan sina Heart Evangelista at Bianca King sa Luna Blanca sa GMA Telebabad pagkatapos ng Aso ni San Roque. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Luna Blanca, bisitahin ang opisyal na Facebook page at Twitter account. Translated from GMANetwork.com — Mac Macapendeg/BM, GMA News