Jackpot prize sa Grand Lotto 6/55, 'di pa rin tinamaan
May pag-asa pa ring mapanalunan ang isa sa pinakamalaking jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos walang makakuha sa winning combination sa draw nitong Miyerkules, Setyembre 5.
Sa 6/55 draw nitong Miyerkules ng gabi na ipinalabas sa PTV-4, ang lumitaw na winning combination ay 16-20-28-08-27-51. Umabot ang jackpot prize sa P219.795 milyon.
Huling napanalunan ang jackpot prize sa 6/55 draw noong July 4 na umabot ang pa-premyo sa P163.921 milyon.
Ang pinakamalaking papremyo sa Grand Lotto 6/55 ay umabot sa P741 milyon na tinamaan ng isang 60-anyos na balikbayan na tumaya sa Olongapo City noong Disyembre 2010.
Samantala, wala ring nanalo sa 6/45 draw nitong Miyerkules, Sept. 5. Ang winning combination sa draw ay 25-17-06-42-09-14, na may papremyong P7.940 milyon. — FRJimenez, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement