ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

2 bangkay, magkahiwalay na nakita sa Pangasinan at Pampanga


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dalawang bangkay – isang lalaki at isang babae – ang magkahiwalay na natagpuan sa lalawigan ng Pangasinan at Pampanga, ayon sa ulat ng GMA News TV’s Balita Pilipinas Ngayon nitong Huwebes. Ang bangkay ng lalaki na nakitang lumulutang sa dagat sa Binmaley, Pangasinan ay walang ulo at putol ang ibang bahagi ng katawan. Pinapaniwalaang biktima ng salvaging ang lalaki, na nakita umanong dinukot ng dalawang hindi pa nakilalang lalaki noong Linggo ng gabi. Sa Apalit, Pampanga, nakita naman ang bangkay ng isang babae sa gilid ng kalsada. Hinihinala ng pulisya na biktima ng hit and run ang babae dahil sa nakitang mga bubog ng ilaw ng sasakyan sa lugar. -- FRJ, GMA News