'Weekend Getaway', biyaheng Lake Sebu sa South Cotabato
Kapapasa lang nitong Agosto sa nursing board exam ng BFFs na sina Ally at Crey. Pagkatapos ng hirap, nararapat lang ang isang relaxing Weekend Getaway para sa ating warriors ngayong linggo, at sa Summer Capital of Southern Philippines, ang Lake Sebu sa South Cotabato no less!
Pagdating na pagdating, magpapakabusog agad ang mga warriors sa local delicacy ng Lake Sebu…ang ipinagmamalaking tilapia chicharon. Nature-tripping naman ang aatupagin nila sa Seven Falls, ang lugar kung saan makikita ang pitong magkakatabing talon. Nag-hello sa kanila ang mga unggoy na malayang naninirahan sa lugar, bago nila tawirin ang kahabaan ng 800-meter zipline, 200 meters above ground! Masisilip nila ang makulay at well-preserved na kultura ng tribong naninirahan sa Lake Sebu, ang mga T’boli. Ipakikita rin sa kanila ang iniingatang tradisyon na brassware-making, pati na ang paggawa ng mga tradisyunal na sandata. One-on-one tutorial sa paghahabi ng Tinalak ang ibibigay sa kanila ng National Living Treasure at “dreamweaver” na si Lang Dulay.
Isang kakaibang tour sa sikat na lawa ang gagawin nina Ally at Crey! Imbes na karaniwang bangka, isang tradisyunal na T’boli boat na walang katig at inukit sa isang buong troso ang sasakyan nila! Nariyan pa rin siyempre ang mga Travel Missions: ang tumawid sa rumaragasang tubig at madulas na batuhan ng talon, ang mag-fillet ng buhay at nagpupumiglas na tilapia, at ang harapin ang init ng apoy sa paggawa ng T’boli brass bracelet!
Si Biyaherong Drew na ang bahala sa BFFs na sina Ally at Crey sa kanilang well-deserved adventure sa Weekend Getaway,Biyernes, 10PM sa GMA News TV.