ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

70 takas na bilanggo bawat taon


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Alam niyo ba na sa nakalipas na limang taon ay aabot sa 300 bilanggo ang nakatakas sa mga kulungan sa bansa? Sa naturang bilang ng mga nakatakas, aabot sa 224 ang muling nadakip. Sa isang pagdinig sa Senado, inihayag ng mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na tinatayang nasa 60 hanggang 70 bilanggo ang nakakatakas sa mga piitan sa bansa bawat taon. Mula Enero hanggang Hunyo ngayong 2012, may naitala na umanong 41 bilanggo ang nakatakas sa mga kulungan. Ayon naman kay Sen. Franklin Drilon, aabot lamang sa 17,719 bilanggo ang kapasidad ng mga kulungan sa buong bansa. Pero hanggang nitong 2011, tinatayang nasa 36,295 bilanggo na ang nasa mga kulungan. - FRJImenez, GMA News

Tags: pinoytrivia